Ipinasususpinde ng mga PAO lawyers sa Ombudsman | FAKE NEWS! — CHIEF ACOSTA

“’YUNG ginagamit na manifestation sa Ombudsman ay fake news at demolition job against PAO. Walang pirma at names ang sinasabing PAO attorneys. Kaya fictitious. You can be charged of use of falsified document crime under Revised Penal Article 172.”
Ito ang reaksiyon ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda Acosta kaugnay ng umano’y pagpapasuspinde sa kanya ng mga PAO lawyers sa Ombudsman.
Samantala, hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y panawagan ng mga empleyado ng PAO na suspendihin ang kanilang pinuno dahil sa umano’y korupsiyon.
Ito ay makaraang hilingin umano ng mga abogado ng PAO sa Ombudsman na imbestigahan si Acosta at ang forensics expert na si Erwin Erfe dahil sa paggamit ng kontrobersiya hinggil sa Dengvaxia para makakuha ng dagdag na pondo.
“As a matter of policy, the President does not interfere in the work, function, (or) the activity of any constitutional body or any branch of the government. Let the law takes its course,” ani Presidential Spokesman Salvador sa press briefing sa Palasyo.
Ayon kay Panelo, kung mayroong kaso laban kay Acosta, hahayaan ng Malacañang na gawin ng Ombudsman ang kanilang tungkulin.
Sinabi rin ni Panelo na hanggang walang findings ng probable cause, nasa PAO chief pa rin ang tiwala ng presidente.
“Palagi naman ang presidente hanggang walang findings of probable cause, palaging nandu’n ang trust. Pero ‘pag may probable cause na, ibang usapan ‘yun then there will suspension na galing sa Ombudsman, eh, hindi naman teritoryo ni presidente ‘yun, eh,” wika pa ni Panelo.





Comments