top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Biyahe pa-hong kong, balik-normal na

June Simon / Madel Moratillo
Aug 16, 2019
1 min read

NANUMBALIK na sa normal na operasyon ang flights ng Philippine Airlines (PAL) paroon at parito sa Hong Kong.

Ayon sa flag carrier, ang pagbabalik ng flights sa dating British Colony ay da­hil sa paghihigpit ng Hong Kong International Airport Authority sa seguridad sa paliparan.

Ayon pa sa PAL, lahat ng pasahero na papasok sa Chek Lap Kok International Airport ay kailangang mag­pakita ng kanilang valid ID, passport at boarding pass habang ang mga kawani ay magpresinta ng kanilang airline ID o airport permit.

Lahat ng pasaherong pa­labas ng Hong Kong ay hini­mok na dumating sa pa­liparan ng tatlong oras bago ang flight departure time.

Samantala, patuloy pa rin ang deployment ng mga over­seas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong sa ka­bila ng nagaganap na ma­rahas na protesta roon.

Ayon kay Labor Secre­tary Silvestre Bello III, hang­ga’t wala silang natatanggap na rekomendasyon mula sa Department of Foreign Af­fairs, magpapatuloy ang pag­papadala ng mga OFW sa Hong Kong.

Tiniyak naman ng ka­lihim na tinututukan ng Phi­lip­pine Overseas Labor Of­fice ang sitwasyon sa Hong Kong.

Pinayuhan na ng la­bor secretary ang mga OFWs na manatili sa ka­nilang tinutu­luyan at umiwas sa pagtungo sa mga lugar ng protesta.

Pinaiiwas din ni Bello ang mga Pinoy sa Hong Kong na magsuot ng puti o itim na shirt kapag nasa labas para hindi mapagka­malang kasali sa mga pro­testa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page