top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Solusyon sa malalang trapik — Palasyo | ISKUL AT TRABAHO, GAWING 24 ORAS

Mylene Alfonso
Aug 15, 2019
2 min read

INIREKOMENDA ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na gawing 24 oras ang eskuwela at trabaho para maibsan ang lumalalang bigat ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Ayon kay Panelo, kung gagawing 24 oras ang ope­rasyon ng iba’t ibang indus­triya sa Metro Manila ay mababawasan ang vo­lume ng mga mananakay.

Kapag hinati aniya ang operasyon ng mga institus­yon tulad ng bangko, esku­welahan at iba pang estab­lisimyento sa night shift at day shift, mababawasan ang bugso ng mga commuter sa EDSA at luluwag ang daloy ng trapiko.

“For instance, eskuwe­la­han, bangko, kung me­rong night, kumbaga, 24 hours ang activity natin. Meron bang ga­noon sa bu­ong mundo? Parang wala pa. Ano kaya subu­kan na­tin?” sabi ni Panelo.

“Can you imagine kung gagawin mong 24 hours ang activity, ‘di kalahati ni­yan nasa night time iyong kalahati nasa araw,” wika pa ni Panelo.

Umapela pa si Panelo sa publiko na habaan muna ang pasensiya at hayaan ang Metropolitan Manila De­velopment Authority sa mga ipinatutupad nilang aksiyon, partikular na ang provincial bus ban sa EDSA. Aniya, dapat bigyan ng tsansa ang MMDA sa ka­nilang mga plano dahil hindi naman aniya maiiwa­san na makaram­dam ng konting per­huwisyo ang mga com­muter habang nag-e­eks­perimento ang MMDA sa mga posibleng solusyon na tuluyang makalulutas sa problema sa trapiko sa EDSA.

“Gaya nang sinabi ko, nag-eeksperimento sila. Tingnan natin kung ano ang kahihinatnan, and then saka tayo gumawa ng hakbang,” diin ni Panelo.

“Let MMDA do its job. Kapag wala pa ring ma­gawa, eh, ‘di hanap naman tayo ng ibang solusyon. It’s useless dis­cussing these things na mayroon na nga silang inirere­komenda at ginagawa nilang pa­raan tapos hindi pa nga naga­gawa, ito na tayo, kini-cri­ticize na,” katuwiran pa ng opisyal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page