SMB, NAGPAKABOG NA TNT, NAGDEDELIKADO
- BULGAR

- Aug 15, 2019
- 2 min read

ISANG hakbang na lang at masisilo ng San Miguel Beer ang titulo matapos kalusin ang TNT KaTropa 99-94 sa Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup best of seven finals kagabi sa Araneta Coliseum. Kumayod si Chris McCullough ng 35 points upang tulungan ang Beermen na ilista ang 3-2 serye. Ipinaramdam agad ng KaTropa ang kanilang lakas sa first quarter sa pamumuno ni Jones na nakapagtala agad ng 15 points upang hawakan ang six-point lead, 28-22.
Bahagyang pumalag ang Beermen sa second quarter, naibaba nila sa apat ang kanilang hinahabol, 45-49 sa halftime. Nagtulungan sina five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo, Terrence Romeo at import Chris McCullough sa second para sa San Miguel upang sabayan ang mainit na opensa ni Jones.
Lumabas ang bangis ng TNT sa third canto kaya nailayo nila ang iskor sa 80-69 papasok ng 4th period. Umarangkada ang KaTropa ng 5-0 sa kaagahan ng payoff period upang lumubo ang kanilang bentahe sa 16, 85-69. Sumagot naman ng 9-0 blast ang Beermen para matapyasan sa pito ang hinahabol, 78-85. Naging matatag sa endgame ang Beermen kaya nakuha nila ang panalo.
Samantala, labanang survival ang haharapin ng lider Petron at ng Marinerang Pilipina maging ng Foton kontra PLDT Home Fibr sa quarterfinals ng Philippine Superliga All-Filipino Conference mamayang hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Makaraan ang double-round preliminaries sa top spot, makakalaban ng Blaze Spikers ang wala pang panalong Lady Skippers sa sudden-death showdown ng 7 p.m. habang ang third seed Tornadoes ay kontra sixth seed Power Hitters sa ibang semifinal pairing ng 4:15 p.m.
Hawak ng Petron ang emphatic 13-1 win-loss card habang ang karibal na F2 Logistics ay bumaba sa 2nd spot na may 12-2 sa prestihiyosong women’s club tourney. (ATD/MC)





Comments