P14-m marijuana, nadiskubre

NASA mahigit P14 milyong halaga ng marijuana plants ang nadiskubre ng mga awtoridad sa bulubunduking bahagi ng Danao City, Cebu.
Agad ipinag-utos ng Cebu Provincial Police Office (CPPO) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency-Region 7 sa Bgy. Licos ang pagwasak sa mga ito.
Ayon kay CPPO Director Roderick Mariano, natunton ang plantasyon batay sa impormasyon ng ilang residente sa nabanggit na lugar nitong Martes ng umaga.
Rito natuklasan ng mga awtoridad ang nasa halos isang ektaryang sakop na tanim ng marijuana.
Aabot sa 10,000 marijuana ang nakatanim sa lugar na nagkakahalagang P14.1 million habang natuklasan din ang 4,000 pang seedlings na may estimated value na P160,000.
Arestado rin sa naturang operasyon ang apat na hinihinalang nagtanim at distributors ng marijuana plants na sina Benjie Salde Depositario, 34; Inocentes Juntilla Depositario, 59; Berting Salde Depositario, 27, at Melin Salde Depositario, 30.
Nakumpiska rin sa kanila ang caliber pistol na may limang bala.





Comments