Kelot niratrat ng riding-in-tandem

DEDBOL ang isang lalaki matapos barilin sa ulo ng dalawang suspek sa Bgy. Sta. Anastacia, Sto. Tomas, Batangas.
Alas-12:30 ng tanghali habang nasa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Genaro Medalla, may sapat na gulang at naninirahan sa nasabing lugar, nang sumulpot ang magkaangkas na sakay ng motorsiklo.
Agad bumunot ng baril ang angkas nito saka pinaputukan ng apat na beses ang biktina bago nagsitakas.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad upang mabatid ang motibo at madakip ang mga salarin.





Comments