Feeling nasa langit na kaya? KAPAMILYA ACTRESS AT MANAGER, NAG-OBER DA BAKOD NA SA SIYETE
BLIND ITEM:
NAKITA sa building ng GMA Network ang isang Kapamilya actress kasama ang kanyang manager. Binati pa nga ng Kapamilya actress ang Kapuso actor na nakakita sa kanya, kaya ibig sabihin, hindi niya itinatago ang pagbisita niya sa Kapuso Network.
Hindi rin sinabihan ni Kapamilya actress ang kaibigang Kapuso actor na ‘wag ikuwento na nakita siya sa GMA Network. Pero kunsabagay, hindi rin naman ito naikuwento ng aktor.
Kaya lang, may mga tao sa Kapuso Network na nakakita sa Kapamilya actress at isa sa kanila ang nagtsika sa amin.
Tanong pa nga ng source namin, wala na bang kontrata sa ABS-CBN ang young actress at kung may balak itong lumipat ng network dahil bakit nasa GMA-7?
Kamakailan lang, nagkaroon ng isyu sa Kapamilya actress, pero hindi na namin isusulat para walang clue. Pero siguro nga, wala na siyang kontrata sa ABS-CBN kaya malakas ang loob niya at ng kanyang manager na magpunta sa GMA Network.





Comments