Ex-BF ni Catriona Gray… CLINT, GAME NA NAGBIHIS-BABAE MAGKA-CAREER LANG
- BULGAR

- Aug 15, 2019
- 1 min read

MUKHANG todo-effort si Clint Bondad upang hindi siya masapawan ni Gabby Concepcion sa mga eksena nila sa Love You Two. Hindi naman siya nadedehado dahil lutang na lutang ang character niya bilang ex-BF ni Jennylyn Mercado na nagbabalik. Marami siyang eksena with Jennylyn at Gabby.
It seems, kinakarir na nang husto ng ex-BF ni Miss Universe Catriona Gray ang pag-arte at nag-i-enjoy na siya sa showbiz. Pati nga sa Bebot 2019 contest ng Eat… Bulaga!, game na game siya na nag-ayos-babae bilang si Shakira Brown at nakalaban sina Edgar Allan Guzman, Buboy Villar, atbp..





Comments