Day care center nasunog; 4 mag-uutol, 1 pa dedo
- Jersey Sanchez
- Aug 15, 2019
- 1 min read
PATAY ang limang bata matapos masunog ang residential building na ginagamit bilang day care center sa Pennsylvania.
Napag-alaman na ang mga biktima ay pawang nasa 8 buwan hanggang pitong taon, gayundin, sugatan ang may-ari ng naturang day care.
Apat sa mga nasawi ay magkakapatid na halos isang taon nang dinadala sa day care dahil nagtatrabaho ang kanilang mga magulang na kapwa panggabi ang shift.
Nagmula sa living room ng pasilidad ang apoy.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.





Comments