TULONG PARA SA GUSTONG MAGPA-REHAB AT MAGBAGONG-BUHAY
- BULGAR

- Aug 14, 2019
- 2 min read

SA kasalukuyang administrasyon, ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ay katuwang ni Pangulong Rodrigo Duterte upang sugpuin ang lumalalang krimen sa bansa. Kaya patuloy ang paghahanda ng PCUP para mas mapaigting ang pakikipag-ugnayan sa mga maralitang Pilipino at masolusyunan ang kanilang mga suliranin.
Tanong: Magandang araw, Chairman Alvin! Gusto kong malaman kung may programa kayo para sa mga gustong magbagong-buhay o gustong ipasok ang anak sa rehab para maging mas mabuti ang kalagayan nila kaysa malulong sa masamang bisyo? Maraming salamat!
Sagot Magandang araw din sa inyo! Magandang katanungan ‘yan. Bagama’t sa ngayon, wala pa tayong eksaktong programa para sa inyong concern, maaari namin kayong matulungan para mabigyan at maipasok sa tamang pasilidad ang inyong anak.
Ang gobyerno ay handang tulungan ang mga nais magbago. Marami tayong ahensiya na nais magbigay ng tulong sa mga nais ding tulungan ang kanilang sarili. Ang pagbabago ay palaging nagsisimula sa sarili. Huwag nating hayaang lamunin tayo ng kasamaan dulot ng masamang bisyo.
Ang PCUP ay narito para tulungan tayong bumangon at mabigyan ng mas maayos na kalagayan ang buong pamilya. Huwag kayong mag-alinlangan na humingi ng tulong sa PCUP dahil ito ang aming pinakahangarin, ang ipaabot ang aming mga kamay para sabay tayong umahon sa kahirapan.
Isa ang PCUP sa mga nais magbigay sa inyo ng pag-asa para tuloy lang ang laban sa buhay. Sa lahat ng maralitang Pilipino, sasagutin namin ang inyong mga katanungan.
Maaasahan ninyo na ang PCUP ay palaging narito lang para magbigay ng serbisyong inyong kailangan.
Kung kayo ay mayroong katanungan, suhestiyon o ihihingi ng tulong, maaari kayong magtungo o sumulat sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com o mag-message sa ating Facebook page na @PCUPOfficial.





Comments