top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Tulfo, sapol sa BIR official

  • M. Alfonso
  • Aug 14, 2019
  • 1 min read

PUMALAG ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nang maging laman sa dalawang artikulo ni Ramon Tulfo sa isang pahayagan.

Nabigla si Teresita Angeles, assistant commissioner for client support services sa BIR, nang mabasa ang column ni Tulfo noong Agosto 6, na pinakamagatang, “Conversation between two BIR execs reveals all” at noong Agosto 8 na “I’m helping Digong clean- up the Augean stables”.

Inilahad dito ni Tulfo ang sinasabing pag-uusap sa pagitan nina Angeles at Don Samson, chief of staff ni BIR Commissioner Caesar Dulay, habang ang dalawa ay nagti-take umano ng short courses sa Harvard University. Pinag-usapan umano ng dalawa ang lantarang korupsiyon sa BIR at ito ay nakuha umano sa isang video.

Sa isa pang column, sinasabi ni Tulfo na si Angeles ay nailagay sa ‘floating status’ dahil sa video at ang kanyang mga pinuno sa BIR ay tumangging i-share sa kanya ang mga nakulimbat.

Sa sulat na ipinadala sa The Manila Times kung saan nailathala ang mga artikulo, sinabi ni Angeles na ang mga inilahad ni Tulfo ay malisyoso, haka-haka at pawang kasinungalingan lamang.

Aniya, walang naganap na pag-uusap sa pagitan nila ni Samson, na executive assistant ni Dulay at hindi chief of staff at hindi niya ito nakasama sa Harvard.

Hindi rin umano siya nailagay sa floating status kundi naging assistant commissioner for Client Support Services pa. Hindi rin umano niya inaakusahang kumukuha ng bribe ang commissioner o tax officials dahil lahat aniya’y lumalabas na above board.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page