top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Problemado sa iskul at pamilya | 2 ESTUDYANTE NAGBIGTI

  • V. Reyes
  • Aug 14, 2019
  • 1 min read

DALAWANG estudyante ang natagpuang patay sa magkahiwalay na insidente.

Wala nang buhay nang matagpuan ang 18-anyos high school student sa Bgy. 91, Marasbaras.

Ayon kay Police Captain Marjorie Manuta, nakita na lamang ng kanyang ama na nakabigti gamit ang nylon ang binata sa loob ng silid nito.

Batay sa paunang pagsisiyasat, may problema umano ito sa kanyang eskuwelahan na posibleng naging ugat ng kanyang depresyon.

Samantala, patay din nang madatnan ang Grade 12 student sa Leyte.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-6:00 ng gabi nang makita umano ang biktima ng nakababatang kapatid nito na nakalambitin sa kanyang kuwarto gamit ang lubid.

Isinugod pa ito sa ospital pero, idineklara itong dead-on-arrival. Isa sa tinitingnang anggulo ang problema sa pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page