Kambal na pagsabog, yumanig sa sulu

NIYANIG ng kambal na pagsabog ang Tibongbong, Bgy. Gasan, Patikul, Sulu kahapon ng umaga kung saan isang sundalo ang sugatan.
Ayon kay Major Arvin Encinas, naganap ang unang pagsabog alas-7:34 ng umaga na sinundan ng alas-8:30 ng umaga sa kaparehong lugar.
Sinasabing pawang Improvised Explosive Device o IED ang ginamit sa pagpapasabog.
Walang nasugatan sa unang pagsabog subalit, sa ikalawang pagsabog ay nasugatan si Cpl. Rene M. Mediana na kasama sa 43rd Infantry Batallion ng Philippine Army na nagsasagawa ng clearing operation sa lugar.
Patuloy na ang imbestigasyon sa pagsabog at hindi pa matukoy kung sino o anong grupo ang nasa likod nito.





Comments