top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

DOH, nagbabala sa mga herbal kontra dengue

  • Madel Moratillo
  • Aug 14, 2019
  • 1 min read

BINALAAN ni Health Secretary Francisco Duque III ang publiko laban sa mga herbal at food supplement na sinasabing anti-dengue at ibinebenta sa merkado at maging sa online.

Tulad na lang ng tawa-tawa capsule, powder at iba pang produkto na ibinebenta sa Facebook at iba pang online store.

“So, ito namang tawa-tawa ang sinasabi ng DOST ay mukhang may resulta sila ng kanilang pananaliksik na nagpapakita na puwede makatulong sa pagpapataas ng platelets ang tawa- tawa pero, gusto ko lang isipin n’yo na kapag may nagsabi na dahil sa tawa-tawa siya ay gumaling. In dengue 99.6% will recover .4 will die. They drank tawa-tawa anecdotally gumaling sila dahil sa tawa-tawa, so, you have to think of that background,” paliwanag ni Duque.

Payo ng kalihim sa publiko, maging mapanuri at isumbong sa FDA kung may makita o malamang iligal na nagbebenta ng mga anti-dengue supplement.

Sa datos ng DOH, aabot sa 12, 880 dengue cases ang naitala mula Hulyo 21 hanggang 27 lamang ng taong ito. Sa nasabing bilang, 39 ang nasawi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page