top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Depende sa zodiac sign... TAMANG ORAS NG PAGDARASAL PARA MATUPAD ANG MGA HINIHILING

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 14, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Louie ng Louie_Strella @face-book.com

Dear Señor, Bakit kaya bigo ako sa buhay ko? Nagdarasal ako, pero bakit parang bingi ang langit? Sana, masagot ninyo ito. Salamat! Naghihintay, Louie

Sa iyo Louie, Ganito ang sabi ng mga pastor, ministro at pari.

Kapag hindi ka pinakinggan sa iyong mga panalangin, marami ang ibig sabihin, puwedeng sinasabi sa iyo na “wait lang” o kaya ay “hindi pa napapanahon para sa iyong hiling”. Puwede ring “no” ang sagot sa iyo.

Nakakatuwa , ‘di ba? Sinasabi lang nila ang mga ganu’n para hindi masira ang pag-asa ng tao. Ang totoo, bola lang nila ang ganu’n.

Ganito ang nasusulat sa Bibliya, sa aklat ni Haring Solomon na kung tawagin ay Ecclesiastes, “May kani-kanyang takdang panahon ang lahat ng bagay sa mundo.” Kumbaga, “there is time for everyone.” Kailan kaya ‘yun?

Bago natin sagutin, may isa pang nasusulat sa Banal na Aklat, sa aklat ni Job.

Sabi ni God kay Job, “kaya mo bang kalagin ang tanikala ng zodiaco?”

Malinaw na ang mga zodiac sign ay mismong si God ang nagtatag.

Dahil dito, narito ang gabay sa sikreto ng tagumpay na may kaugnayan sa “timing is everything”.

Para sa mga isinilang sa bawat zodiac sign, kailan ang tamang oras para manalangin?

1. Aquarius – 11:00 pm to 1:00 am. 2. Pisces – 1:00 am to 3:00 am. 3. Aries – 3:00 am to 5:00 am. 4. Taurus – 5:00 am to 7:00 am. 5. Gemini – 7:00 am to 9:00 am. 6. Cancer – 9:00 am to 11:00 am. 7. Leo – 11:00 am to 1:00 pm. 8. Virgo – 1:00 pm to 3:00 pm. 9. Libra – 3:00 pm to 5:00 pm. 10. Scorpio – 5:00 pm to 7:00 pm. 11. Sagittarius – 7:00 pm to 9:00 pm. 12. Capricorn – 9:00 pm to 11:00 pm.

Ang mga nasa itaas ay tinatawag ding masusuwerteng oras.

Muli, ang isa sa mga susi ng tagumpay ay ang paniniwala sa kasabihang “timing is everything”.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page