Botika nilooban P100-k natangay

NASA P100,000 cash at mga mamahaling gadgets ang natangay ng mga hindi pa nakikilalang suspek makaraang looban ang isang sangay ng botika sa Bgy. District 4, Balayan, Batangas.
Nasa pagitan ng alas-9:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga, sinasabing pinasok ng mga kawatan ang Botika Estella, ayon sa katiwala nito.
Winasak ang kandado ng pintuan saka pumasok at sinimot ang kita ng nasabing botika. Tinangay din ang ilang mamahaling gadgets at iba’t ibang klase ng gamot.
Pinag-aaralan naman ang mga CCTV footages sa lugar upang matukoy ang responsable sa insidente.





Comments