top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BLAZERS, NANLIGPIT SA 5TH WIN; MIT, NANAMBAK

A. Servinio
Aug 14, 2019
1 min read

IPINAGDIWANG ng College of Saint Benilde ang ika-5 sunod na panalo sa 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) matapos iligpit ang season host Arellano University Generals, 82-77, sa FilOil Flying V Centre kahapon.

Nagmula sa 14 araw na pahinga, kinalawang ang Blazers sa unang half subalit bumawi sa 2nd half at hindi na nilingon ang Chiefs. Isang puntos lang ang lamang ng CSB, 35-34, ngunit biglang sumiklab sina Robi Nayve at Yankie Haruna at lumayo ng bahagya, 60-52. Tuluyang bumigay ang Arellano sa last quarter pagkatapos ng tres nina Nayve at Haruna na umabot ng 15 ang kalamangan. Malaking bagay ang pagbalik ni Justin Gutang at nagbagsak ng 12 puntos at 7 rebounds. Namuno sa panalo si Clement Leutcheu na may 13 puntos at 7 rebounds sa araw mismo ng pista ni San Benildo Romancon FSC.

Sa unang laro, dalawa na ang sunud-sunod na panalo ng Mapua Institute of Technology matapos tambakan ang Emilio Aguinaldo College, 76-66. Umangat ang kartada ng Cardinals sa 2-5 habang lalong nabaon ang Generals sa 1-6. Nagising ang Cardinals sa 2nd quarter at nagsimulang magpabaha ng puntos sa tikas ng mga rookie na sina Cyril Gonzales at Paolo Hernandez at mga beteranong sina Laurenz Paul Victoria at Warren Bonifacio para palobohin sa 21 ang kalamangan papasok ng last quarter, 60-39. Nagpabaya ng bahagya ang Mapua at pinalapit ang EAC sa tulong nina JC Luciano at Renz Gonzales subalit, masyadong malaki ang naging agwat ng Cardinals.

Sa Juniors Division, wagi ang defending champion Mapua Red Robins sa EAC-ICA Brigadiers, 83-68. Sinundan ng 74-66 na panalo ng DLSU Greenhills sa Arellano Braves.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page