4 YO & ABOVE STAKES

HAHAGUPIT sa Linggo ang 2019 Philracom 4-Year-Old & Above Local Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.
Pitong kalahok ang maglalaban sa 1,600 meters na pangungunahan ng Eugene Onegin, GreatWall, Mandatum, Pangalusian Island, Scarborough Shoal, Summer Romance at Wonderland. May nakalaang papremyong P500,000 na paghahatian ng apat na unang makatatawid sa finish line. Tatanggap ng P300,000 sa unang premyo, P112,500 ang sa 2nd place, P62,500 sa 3rd place at P25,000 sa 4th place.
Patuloy ang karera sa Additional One Win In Group Races kasabay ng Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa Santa Ana Park, Naic, Cavite. Sa Race 1, simula ng WTA, pinapaboran ang mga kalahok na Windy Star, Simply Believe, Keyesspee at Pearlescence kasabay ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.
Sa Race 2, nakalalamang ang Prince Popeye habang ang Gensan Special, Smart Tyler, Buenos Aires at Hula Discovery ang posibleng tumalo. Sa Race 3, ipinapatok ang Spunk Attack habang makakalaban ang Kickback at Exhilarated kung saan magsisimula ang Pick 5.
Mag-uunahan ang mga kalahok na Tool of Choice, Zapima, Battle Chacha at Oceanside sa Race 4. Liyamado ang Wessfacckol laban sa Richard at Colonial Star sa Race 5. Sa Race 6 ang Constitution sa mga kalaban na Ace Up, Halo Wander, isama ang Grand Villa, Ultimate Royale at Right As Rain. Sa Race 7, ang Exceptional Gee, High Quality, Palos, Play It Safe at Angel Brulay.
Tip ni Mang Ding: Race 1-Windy Star (1) Simply Believe (4) Race 2-Prince Popeye (4) Gensan Special (3) Race-3 Spunk Attack (4) Kickback (60) Race 4-Tool of Choice (4) Battle Chacha (3) Zapima (1) Race 5-Wessfacckol (2) Richard (1) Colonial Star (4) Race 6-Constitution (2) Halo Wander (1) Ace Up (4) Race 7-Exceptional Gee (1) Palos (5) Play It Safe (7) WTA (1-7) 1-4-9/4-3/4/4-1/2/2/1-5-7; Pick 6-(2-7) 4-3/4/4-1/2/2/1-5-7 Pick 5-(3-7) 4/4-1/2/2/1-5-7 Pick 4-(4-7) 4-1/2/2/1-5-7





Comments