top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Yate, napagkamalang warship ng China | SBMA NABULABOG, NA-WOW MALI

  • Jeff Tumbado
  • Aug 13, 2019
  • 2 min read

NABULABOG ang pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa foreign vessel na umano’y bigla na lamang nakapasok sa karagatang sakop ng Freeport Zone sa pag-aakalang barkong-pan­digma ito ng China, nitong Linggo.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Harbor Pat­rol Group ng Law Enforce­ment Department (LED) ng SBMA at PNP Maritime Po­lice kung saan hinarang ng mga ito ang barko habang ito ay nag-aangkla sa bahagi ng Camayan Cove.

Gayunman, matapos ang pagbusisi ng mga awto­ridad sa foreign vessel ay na­pag-alamang isa palang plea­sure yacht o tourist ship ang barko at hindi Chinese militia vessel.

Ayon kay SBMA Chair­man at Administrator Atty. Wilma T. Eisma, natukoy ang nabanggit na barko bilang MV Balena II, na nakarehis­tro sa isang Belgian national na si Didier Ladriere, isang locator sa SBMA at nagma­may-ari ng Urban Deli Res­taurant sa Subic Freeport.

Tinawagan pa umano ni Eisma sina National Security Advisor Sec. Hermogenes Esperon, Jr. at Defense Chief Sec. Delfin Lorenzana para sa koordinasyon kaugnay sa pangyayari.

Sa investigation report ng Seaport Department, lu­malabas na isang yate ang napagkamalang warship ng China, na may habang 40 metro at naglalayag sa kara­gatang sakop ng SBMA.

Nasa walong Chinese na­tionals ang sakay sa yate na pawang mga bisita ni Lad­riere.

Nag-ugat ang pagka­bahala ng SBMA ng walang anumang sagot ang MV Ba­lena II sa mga tawag ng port authorities kaya ipinalalagay na ito ay isang Chinese mili­tia vessel na basta na lamang pumasok nang walang abiso.

Ipinaliwanag naman ni Ladriere na kaya hindi ma­kasagot ito sa radyo ay dahil naiwanan palang nakapatay ang kanilang VHF radio com­munication sa buong araw nilang paglalayag.

Ang MV Balena II ay dating Japanese research and survey vessel na Tankai Maru, bago nabili at nai-con­vert ni Ladriere bilang plea­sure yacht.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page