PINOY, MAPAPALABAN SA MGA ASTIGIN NG REBEL FC
- BULGAR

- Aug 13, 2019
- 1 min read

MAGBABALIK ang bakbakan sa Rebel Fighting Championship (Rebel FC), ang pangunahing mixed martial arts (MMA) entertainment company ng Singapore sa Shanghai sa Setyembre 7 na tatawaging Rebel FC 9 Return of the Champion, ang 9th edition ng international MMA tournament.
Itatampok ng event ang isa sa world-class bout at dalawang title fights mula China at iba pang mga fighters mula Russia, Japan, Philippines, Brazil, Ukraine, Azerbaijan, at Estados Unidos.
Ang Rebel FC 9 ay idaraos sa Hongkou Indoor Stadium na siya ring lion’s share ng China MMA market pagdating sa TV broadcasting viewership na tinatayang may 4 at 7 beses ang dami ng bilang ng manonood kumpara sa iba pang leading global MMA organizations, ayon sa pinakahuling datos.
Dumoble ang bilang ng Rebel FC’s live broadcast viewership mula 2017 at 2018 na inaasahang makapagtatala ng bagong records ngayong 2019 dahil sa brand popularity at pagkilala sa China.
Samantala, nagmartsa ang San Beda University sa ikalawang diretsong panalo nang walang bahid-dungis ang kartada sa Small Basketeers Philippines competition ng BEST Center’s twin SBP-Passerelle tournaments noong Linggo sa Xavier gym.
Ang panalo ng San Beda ay nasundan ng pagwawagi ng College of San Benildo-Rizal, 53-52 kasunod ng Claret School (1-0) na ginulpi ang La Salle-Zobel White (0-2), 72-19 sa Group A.
Paunang panalo rin ang nagawa ng La Salle-Greenhills nang manaig sa San Sebastian College-Recoletos (0-1), 57-35 at pumatas sa La Salle-Zobel Green sa tuktok ng Group B sa event. (MC)





Comments