Look-alike ni Rico Yan… JIN MACAPAGAL, WINNER SA BIDA MAN, PASOK AGAD SA MMFF MOVIE NI VICE
- BULGAR

- Aug 13, 2019
- 1 min read

Si Jin Macapagal ng Cebu ang pinakanakitaan ng potensiyal na susunod sa yapak ng kanyang mga iniidolong artista matapos siyang tanghaling Ultimate Bidaman sa Bidaman: The Big Break grand finale ng It’s Showtime noong Sabado (Agosto 10).
Si Jin, 24, ang namayagpag laban sa 11 iba pang grand finalists sa iba’t ibang challenges na sinubok ang kanilang kakayahan sa pag-arte, koneksiyon sa audience, at stage presence.
Dahil sa kanyang performance at looks, tinawag siya ng huradong si Edu Manzano na “young Rico Yan.”
Bilang Ultimate Bidaman, wagi si Jin ng P1 milyon, management at movie contract sa ABS-CBN, isang bagong pick-up truck mula sa SsangYong, house and lot mula sa Lumina, at role sa MMFF movie nina Anne Curtis at Vice Ganda.
Congrats, Jin Macapagal!




Comments