top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

LADY VOLCANOES, NANLUSAW NG GINTO SA ASIA RUGBY 7’S

  • Eddie M. Paez Jr.
  • Aug 13, 2019
  • 2 min read

PINATAOB ng Pilipinas ang India at Indonesia sa round robin championship phase na umusad sa huling araw ng kompetisyon noong Linggo upang maangkin ang korona ng 2019 Asia Rugby Sevens Women’s Series sa Jakarta, Indonesia.

Naungusan ng Pilipinas ang numero-unong team mula sa Pool A na India sa penultimate game nito sa torneo sa iskor na 19-12. Pagkatapos nito ay ibinu­­hos ng Lady Volcanoes ang lahat kontra sa Pool C topnotcher at punong-abalang Indonesia sa isang malupit na pagpapakita ng lakas, 26-9, sa kanilang huling laro tungo sa pag-angkin sa titulo ng paligsahang sinalihan din ng mga koponan mula sa Chinese Taipei, Qatar, Laos, Guam, Bangladesh at South Korea. Nauna rito, sumabog ang Lady Volcanoes ni coach Fitz Taua’a noong elimination round sa tulong ng husay nina Aiumi Ono, Aldee Denuyo, Patrocinia Grace Duffy, Sylvia Tudoc, Jacqueline Mae Lyden, Helena Indigne, at Lillian Christina Smith. Wala silang isinukong puntos nang makaharap ang Qatar, 27-0, at ang Laos, 24-0, sa mga bakbakan sa Pool B noong Sabado. Tig-dalawang panalo rin sa qualifiers ang nairehistro ng India at Indonesia kaya nakausad ang mga ito sa finals.

Ang pagsikwat sa ginto ay nangangahulugang nasa magandang estado ang paghahanda ng Lady Volcanoes para sa nalalapit na Southeast Asian Games kung saan magiging host ang Pilipinas.

Bukod dito, nagsilbing pambawi ito sa masaklap na kampanya ng Pilipinas sa paligsahan. Taong 2018 nang huling makapasok sa finals ang mga pambato ng Philippine Rugby Football Union (PRFU) dahil sa pagkamada ng limang magkakasunod na mga panalo (Uzbekistan 12-10; India 17-12; Pakistan 31-0; Nepal 43-0 at Guam 10-7). Pero kinapos ang mga ito sa huling bakbakan at yumuko sa Malaysia, 7-10, kaya nakuntento na lang sa runner-up honors.

Noong Hunyo rin, nasadlak ang Lady Volcanoes sa pagiging bridesmaid ng Asia Rugby Women’s Division 1 matapos silang malusaw sa powerhouse ng China sa huling duwelo sa Laguna, 0-64. At higit sa lahat, ang kampeonato rin ay nangangahulugang promoted at maaari nang lumahok sa susunod na season ng Asia Rugby Sevens Women’s Series ang Lady Volcanoes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page