top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Agosto 13, 2019 (Martes)

Maestro Honorio Ong
Aug 13, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 13, 2019 (Martes): Tiniti­yak ng araw na ito ang iyong pag­silang na ikaw ay haha­wak ng mga tao dahil ha­hawak ka ng magan­dang proyek­to.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang masu­wer­teng mga araw na ito kung kailan pu­wede pang umangat ang buhay mo. Ipagpaliban mo muna ang mga aktibi­dad na walang kinalaman sa kabuhayan. Masuwert­eng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-14-28-31-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ka bi­bigyan ng pa­bor ng na­ka­ta­taas sa iyo. Ito ay dahil matagal na silang hanga sa kakaibang galing at hu­say mo, kaya umasa kang aani ka rin ng papuri at pagkilala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lot­to-2-11-18-20-25-34.

GEMINI (May 21- June 20) - Kapag ibina­ba mo ang sa­rili mo, tataas ka. Ito ang tunay na susi ng tagumpay na bibihira ang nakakagawa. Muli, kapag ibinaba mo ang sa­rili mo, tataas ka. Masu­werteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-19-21-24-30-35-42.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag kang patatalo sa mga negati­bong pa­nanaw na naglala­bas-ma­sok sa isipan mo. Kumilos ka nang naaayon sa iyong mga plano. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-25-31-33-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­kinig ka sa mga opinyon. Hu­wag mong pai­ra­­lin na mas angat ka sa ka­­hit na sino. Sa pakiki­nig, nadaragdagan ang kaala­man. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-25-30-31-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang mag­simula ng pag­babago at susu­nod ang mga tao. Huwag kang manahimik, lalo na kung alam mong may kaka­yahan ka. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-24-28-30-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka kaka­pusin ng mga suwerte. Kaya lakasan mo ang loob mo, isulong mo ang gusto mong mangyari kahit alam mong maliit lang ang tsansa na ito ay masunod. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-20-21-32-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Alam mo ang gagawin, pero ayaw mong gawin. Mas pipiliin mo ang mag-obserba lang. Sa ga­nito, lihim kang sasaya. Mas maganda ito kaysa su­ma­kit ang iyong ulo. Masu­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-21-38-39-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hindi ma­kapoporma ang mga kon­tra­bida sa buhay mo, alam nila na ngayon ay mas ma­lakas ka kaya nakakata­kot kang kalaban. Masuwe­teng kulay-red. Tips sa lotto-11-13-14-25-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka nang kumi­los at mawawala ang iyong mga pag-aalala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-11-16-29-30-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang manghi­masok sa mga ba­gay na hindi mo talaga alam. Ang pagkukunwari ay hin­di mo dapat gawin sa mga bagay na maselan, lalo na kung magandang kina­bu­kasan ang nakataya. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-12-23-26-33-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Su­werte ka nga­­yon. Sino na­man ang mama­lasin? Sino pa nga ba kundi ang mga taong magbibi­gay sa iyo ng kun­sumisyon at kon­tra nang kontra sa iyo. Ito ang men­sa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-10-26-30-31-32-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page