Pogi points ng mga pulis, si P-DU30 ang umani
- BULGAR

- Aug 12, 2019
- 2 min read
MAY intel report na aatake raw ang mga terorista sa Luzon.
Nilinaw ng awtoridad na hindi ito “validated”!
◘◘◘
SA totoo lang, ligtas ang mga taga-Metro Manila sa ganyang klase ng pananakot ng mga terorista dahil epektibo ngayon ang pamamalakad ng pulisya.
Isang dahilan ‘yan kaya mataas ang grado ni P-Digong!
◘◘◘
KUNG totoong may banta ng kaguluhan, bakit nananatiling tahimik at ligtas ang nagdaang SONA?
Mahigpit ang ginawang pagbabantay ng NCRPO noong SONA kaya hindi nakaporma ang mga terorista!
◘◘◘
NGAYON, ikinakalat na naman ang banta ng terorismo.
Malabo itong maganap sapagkat maagap ang pulisya sa Metro Manila sa ganyang klase ng pananakot!
◘◘◘
ISA ring ikinatutuwa ng mga tao ay ang mahigpit na disiplina sa mga pulis sa Metro Manila kaya natatakot gumawa ng kalokohan ang mga iskalawag.
Kamakailan lang, dinisarmahan at sinibak ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang pulis na nanutok at nanakot ng sibilyan!
◘◘◘
MALINAW na hindi kinukunsinte ng pulisya ang pang-aabuso sa tungkulin ng mga pulis.
Taliwas noon na marami ang natatakot na magsumbong sa pulisya, ngayon ay naibalik na ang tiwala ng mamamayan sa mga alagad ng batas!
◘◘◘
ANG mataas na grado ni P-Digong sa mga opinion survey ay dahil sa pagkawala ng mga isnatser, holdaper, akyat-bahay, karnaper at mga nagkalat na tulak at adik sa iligal na droga.
‘Yan ay bunga mismo ng maayos na operasyon ng pulisya, partikular sa Metro Manila!
◘◘◘
HINDI dapat matakot ang mamamayan kapag may nagbabantay na pulis sa mga Simbahan at mall.
Sa totoo lang, dapat silang matuwa sapagkat tinitiyak lang mabuti ng pulisya na ligtas ang mamamayan sa banta ng terorismo tulad sa nararanasan sa United States at iba pang bansa!





Comments