top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga pulis, doble-sahod na, oks pang rumaket; mga guro at nurse, bawal!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2019
  • 2 min read

PATULOY ang mainit na debate kung dapat ibalik ang Dengvaxia sa merkado dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa. Ngayong taon ang may pinakamaraming kaso sa loob ng limang taon.

May mga grupong nagsasabing ibalik na, pero may mga sumisigaw din na hindi ito makatutulong.

Laganap ang dengue sa bansa, walang argumento r’yan, pero ang alam natin, kung ibalik man ang Dengvaxia, ang matutulungan lang nito ay ang mga nagkasakit na.

Sa palagay natin, kung hindi tinanggal ang Dengvaxia sa merkado, baka nakatulong ito sa mga nagkaroon na ng dengue.

Samantala, inaprubahan ang paggamit ng Dengvaxia sa Amerika, basta dumaan sa masusing eksaminasyon kung nagkaroon na ng dengue ang babakunahan. Siguro, ‘yan ang hindi pa natin magagawa sa ngayon kaya kung ibabalik ang Dengvaxia, hindi ito dapat isama sa mga programang pabakuna ng gobyerno.

Samantala, dapat hayaan na lang ang mga tao na magdesisyon kung gusto nilang mabigyan ang kanilang anak o ang sarili ng nasabing bakuna.

◘◘◘

“Nagsisimula ang lahat sa maliit na bagay.”

Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang masama kung tumanggap ang mga pulis ng regalo kung ibinigay bilang ‘pasasalamat’ sa kanilang nagawang serbisyo. Ang mahirap ay baka masanay sa pera ang mga pulis kapag tumanggap nito.

Dahil nakatikim na, hindi imposibleng mag­hanap o umasa ang mga ito sa mas malaking bagay o anumang puwede nilang makuha.

Kung ginagawa lang ng mga pulis ang kanilang tungkulin, bakit kailangang bigyan ng regalo o ‘pasasalamat’? Isa pa, bakit pulis lang? Maayos din naman magbigay ng serbisyo ang mga guro, nurse, empleyado ng gobyerno at iba pang manggagawa, pero sila rin ay bawal tumanggap ng mga regalo. Mabuti pa nga ang mga pulis, nadoble na ang suweldo, pero ang mga guro at nurse, hindi pa. Tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page