Horoscope | Agosto 12, 2019 (Lunes)

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 12, 2019 (Lunes): Gamitin mo para sa iyong sarili ang magagandang katangian. Hindi maganda na magamit ka ng iba para sa kanilang kapakanan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mabalisa sa mga problema. Ituloy mo ang mga binabalak mong pagsasaayos sa sistema ng iyong pinagkakakitaan. Hindi ka mabibigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-17-20-23-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpatulong ka sa malalapit mong kaibigan, hindi materyal na bagay kundi paraan kung paano bibilis ang pag-unlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-20-24-35-40.
GEMINI (May 21- June 20) - Kikislap na naman ang iyong galing at husay sa pagsasalita. Marami kang mapaniniwala. Ang payo ay gamitin mo ito para sumaya ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-26-35-38-45.
CANCER (June 21- July 22) - Huwag kang malito. Kaya lang nalilito ang tao ay dahil marami siyang gusto. Ang payo ay piliin mo ang kung ano ang kayang-kaya mo na hindi ka gaanong mahihirapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-21-25-33-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano lang ang kailangan mo, ‘yun lang ang kunin mo. Kalabisan ang kukuha ng higit sa kanyang kailangan. Sa ganito, ang buhay mo ay magiging payapa at malayo sa gulo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-14-22-28-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makihalo sa gulo. Mas maganda ang tahimik kaysa uminit lang ang ulo mo. Huwag mong kalimutan na ang kaguluhan ay hindi pagkakaunawaan, kaya wala itong mabuting kauuwian. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-21-27-33-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pasayahin mo ang iyong kapwa kahit kapos ka rin naman. Mahirap itong gawin, pero ang mga gumawa ay nakakuha ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-20-28-30-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsaya ka at sasaya ka. Ito ay simpleng pormula ng masayang buhay. Bakit hindi mo gawin? Muli, magsaya ka at sasaya ka! Walang magandang bunga ang nabubuhay sa lungkot. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-25-26-36-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang susi kung paano gaganda ang iyong buhay. Dagdagan mo ang iyong ginagawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-25-35-38-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sinusukat ng karpintero ang gagamitin niya sa paggawa ng bahay. Ikaw, bakit hindi mo sukatin ang taglay mong kakayahan? Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-15-21-25-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Likas sa iyo ang pagiging rebelde. Tulad ngayon, iiral na naman ang nasabing katangian dahil makikita na ang pagkabagot ay unti-unting naghahari sa iyong kalooban. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-18-20-27-31-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lahat ay may hindi alam. Kaya lahat ay may karapatang magdagdag ng kaalaman. Huwag kang mahiya, magtanung-tanong ka sa mga alam mong marami nang alam. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-17-21-25-34-39.




Comments