Gulo sa Hong Kong, pinopondohan ng CIA!
- BULGAR

- Aug 12, 2019
- 2 min read
HINDI magandang ideya ang pumunta sa Hong Kong sa mga panahong ito sapagkat magulo at maraming protestang nangyayari ngayon sa bansa. Mahigit dalawang buwan na ang kaguluhang ito.
Bakit nagtatagal ang ganitong klaseng protesta?
Malaking pondo ang kailangan para sa ganitong pag-aalsa na tuluy-tuloy mula sa kalsada, sa mga tourist area hanggang sa airport.
Maraming turista at negosyante ang pansamantalang umiiwas sa Hong Kong kaya ang resulta, bumabagsak ang mga negosyo roon, lalo na ang mga restoran at hotel.
Ayon sa mga ulat, isang organisasyon na katropa ng Central Intelligence Agency (CIA) ang nagbibigay ng pondo at iba pang suporta sa mga lider ng protesta.
May kaugnayan diumano sa gulo ang National Endowment for Democracy (NED), NGO kuno na layunin daw ang magpakalat ng demokrasya sa buong mundo, pero sa totoo lang, tirador ito ng CIA na kung pamilyar kayo sa NED, ito ang grupo na nag-i-sponsor sa mga anti-Duterte online news website tulad ng Rappler, Vera Files, MindaNews at PCIJ.
Sa pagkakaalam natin sa CIA, ito ang intelligence service ng Estados Unidos na walang ginawa kundi pabagsakin ang mga lider at gobyerno na sa tingin nila ay kaaway ng U.S.
Kung noon, diretsahang pagpatay o paghuli sa mga kaaway ang ginagawa ng CIA, ngayon ay pasimple na ang kanilang estilo.
Sa Middle East, madalas ay binobomba na lang ang mga lugar na gusto nilang mapaluhod tulad ng Syria.
Sa Asya naman, pasimple rin ang kanilang operasyon, “soft power tactics” ang tawag dito tulad ng pagpondo ng mga grupo na gustong pabagsakin ang gobyerno.
Natuto ang CIA sa nangyari sa Pilipinas noong 1986. Nakita nilang maaaring mapaalis ang lider ng bansa kung may magsusulsol sa taumbayan na mag-rally at magprotesta.
Nakita ng CIA na malaking bagay kapag na-kontrol nila ang media dahil ito ang huhubog sa utak ng maraming mamamayan.
Sa Pilipinas, ginagawa ito ng NED sa pamamagitan ng pagbibigay ng P100 milyon sa mga anti-Duterte online news website, partikular ang Rappler na pinangungunahan ni Maria Ressa.
Matatandaang, dahil sa tagumpay nila sa bansa, sinubukan ng U.S. na magkaroon ng “People Power” sa China noong 1989.
May mga protesta na ginanap sa Tiananmen Square sa Beijing na tila ginaya lang ang nangyari sa EDSA noong 1986.
Pero, hindi tulad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na maawain at ayaw atakihin ang mga nagprotesta sa EDSA, sa China ay iniutos ng kanilang gobyerno na lusubin ang mga nag-aalsa sa Tiananmen Square kaya naudlot ang plano nilang rebolusyon.
Samantala, sa Hong Kong naman, nagsimula ang protesta dahil mayroon daw extradition bill na gustong ipasa ang HK government kung saan ang dayuhang kriminal ay maaaring pabalikin sa kanyang bansa.
Pinalaki nang pinalaki ang isyu hanggang ngayon, ang gusto ng mga nagpoprotesta ay “demokrasya” para sa Hong Kong, tila nakalimutan nilang hindi na hawak ng Britanya ang Hong Kong.
Noong Hulyo, 1997 pa natapos ang “lease” o pag-upa ng Britain sa Hong Kong na tumagal nang 99 taon kaya walang nagawa ang Britain kundi ibalik ito sa China kahit umaangal ang ilang residente nito.
Ayon sa South China Morning Post, dalawa raw ang branch ng NED sa Hong Kong, ang mga NGO na Solidarity Center at National Democratic Institute.




Comments