top of page

Takot sa dilim, tubig, ulan, aso at iba pa? IBA‘T IBANG TIPS PARA MALABANAN ANG PHOBIA

  • Ronalyn Reonico
  • Aug 11, 2019
  • 2 min read

KUNG gaano karami ang rason para lumaban sa agos ng buhay, sad­yang napakarami ring bagay na nag­bibigay sa atin ng dahilan para mata­kot at umatras.

Takot o phobia, napakaraming bagay sa buhay ang kinatatakutan nating mang­yari, makita, madama at malaman.

Paano nga ba malalabanan ang phobia?

1. HARAPIN MO ANG IYONG TAKOT. Hindi madaling harapin ang mga bagay na kinatatakutan mo. Oo nga’t ang pag-iwas ay makapagbibigay ng pa­nanda­li­ang ginhawa sa likod ng mga kina­tatakutan mong bagay, pero kung iiwas ka lang nang iiwas, palagi mo lang maiisip na nakakatakot ang partikular na bagay.

2. MATUTONG KUMALMA SA MGA SITWASYON. Sa tuwing nada­dala tayo ng takot, bumibilis ang tibok ng ating puso kaya naman nagiging tensi­yunado tayo. Upang malabanan ang pho­bia, kumalma ka lang, ‘tol, kalma!

3. MAGING POSITIVE THIN­KER. Sa lahat ng takot na hinaharap na­tin sa buhay, sikapin nating magkaroon ng positibong pananaw. Walang mangya­yari sa buhay mo kung magpapadala ka lang sa takot at magpapakanegatibo.

Madalas, tuwing humaharap tayo sa mga kinatatakutan nating parte ng buhay, nagiging advance tayong mag-isip, pero ang masama ru’n, advance tayong mag-isip sa mga negative outcome.

Mainam man ang paminsan-minsang pag-iisip ng mga maaaring negatibong maidudulot ng takot natin, hindi naman du’n lang dapat tuldukan ang lahat. Isipin din natin ang mga positibong bagay.

Walang espesipikong gamot para sa phobia. Ang tanging dapat nating gawin ay ayusin ang mga pananaw natin sa buhay dahil walang ibang makatutulong sa iyo kundi ang sarili mo. Marahil, makatutulong ang ma­pagmahal nating pamilya at mga tropa, pero sa huli, desisyon mo pa rin ang maghahari sa isip mo.

Sabi nga ng tropa nating journalist na si Soledad O’Brien, “I’ve learned that fear limits you and your vision. It serves as blinders to what may be just a few steps down the road for you. The journey is valuable, but believing in your talents, your abilities, and your self-worth can empower you to walk down an even brighter path. Transforming fear into freedom - how great is that?”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page