top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PVL NEW TEAMS, PAKABOG SA SMASHERS NI VALDEZ

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 11, 2019
1 min read

MALAPIT nang matapos ang paghihintay ng fans sa pagbabalik ng Premier Volleyball League (PVL) sa pagsipa ng 2019 Open Conference ngayong Linggo (Agosto 11), live mula sa FilOil Flying V Center sa San Juan City sa S+A tampok ang mga bagong koponan na susubukang agawin ang korona ng defending champion na Creamline Cool Smashers.

Mula sa anim na koponan sa Reinforced Conference, siyam ang maglalaban-laban ngayong Open Conference sa pagbabalik ng Philippine Air Force Lady Jet Spikers, na pangungunahan ng mga beteranong sina Wendy Semana at May Ann Pantino.

Isa pang baguhan—Chef’s Classic Lady Red Spikers—ang bubuuin ng kampeon sa NCAA Season 94 Women’s Volleyball na San Beda Lady Red Spikers bitbit ang kanilang kambal na star player na sina Nieza at Ella Viray.

Inaabangan din ang Choco Mucho Flying Titans, na ibinabandera nina Kat Tolentino, Maddie Madayag, at Bea De Leon, na parte ng koponan ng Ateneo na nagwagi sa UAAP Season 81, kasama ang isang alamat sa UAAP volleyball na si dating DLSU Lady Spiker Manilla Santos-Ng.

Agad namang sasabak sa kanilang unang laro sa harap ng mga naghihiyawang fans ang Lady Jet Spikers kontra sa 2018 PVL Open Conference champion na Cool Smashers nina Alyssa Valdez at Jia Morado ng 2 p.m. na nais bumawi sa kanilang pagkatalo sa PetroGazz sa unang conference ng taon.

Susundan ng bakbakang BanKo Perlas Spikers nina Nicole Tiamzon at Dzi Gervacio kontra sa 2019 PVL Reinforced Conference champion na PetroGazz Angels nina Paneng Mercado at Jonah Sabete na patutunayang malakas pa rin sila maski wala na ang kanilang mga import. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page