Puwede ring turkey, mga sis! PAGKAIN NG MANOK, MABISANG PANGONTRA NG BREAST CANCER
- BULGAR

- Aug 11, 2019
- 1 min read

SINO ba ang hindi natatakot na magkaroon ng kanser? Lahat naman tayo ay ayaw magkaroon nito dahil bukod sa maaari nitong taningan ang ating buhay, eh, mahal din ang gamutan.
Pero, don’t worry, mga beshy, dahil sa pamamagitan ng pagkain ng manok, keri na raw malabanan ang nakamamatay na kanser. Nice!
Sa pag-aaral ng US National Cancer Institute, inobserbahan nila ang 42,000 kababaihan kung saan nagpokus sila sa diet meal ng mga ito.
Ang mga babaeng kumakain ng red meat ay mas naka-develop ng invasive form ng breast cancer, samantalang, ang mga babaeng kumain ng poultry tulad ng manok, pabo at bibe ay 15 porsiyentong nakaiwas sa pagkakaroon ng nasabing kanser.
Ito ay dahil ang red meat ay napag-alamang nagkokontamina ng cancer-causing compounds habang ang poultry ay nali-link sa ‘low mutagenic activity’.
Gayunman, hindi umano tuluyang ipinagbabawal ng mga eksperto ang pagkain ng red meat, pero dapat ay marunong tayong magbalanse nito.
Kaya para sa mga mahihilig sa karne, hinay-hinay lang, mga beshy!
Make sure na kakain ng masusustansiyang pagkain at hindi sosobrahan ang alam natin walang bitaminang naibibigay sa ating kalusugan.
Ngayong alam na natin ang shocking revelation sa pagkain ng manok, dapat maging maalaga na tayo sa ating katawan, partikular ang kababaihan.
Okidoki?





Comments