Pag-aalaga sa nanay pinag-awayan | ATE KINATAY
- Jeff Tumbado
- Aug 11, 2019
- 1 min read

PINAGSASAKSAK ang 54-anyos na babae ng kanyang kapatid sa Iloilo.
Partikular na sangkot sa insidente ang magkapatid na Moreno, kapwa naninirahan sa Bgy. Calumpang.
Dead-on-arrival sa ospital ang biktima sanhi ng tinamong tatlong tama ng saksak sa katawan habang naaresto naman ang nakababatang kapatid na si Jaime, 52.
Ayon sa report ng Iloilo City Police, alas-10:00 ng gabi ng Biyernes nang maganap ang krimen habang nag-iinuman ang magkapatid sa kanilang bahay.
Dala ng kalasingan at sa galit na rin dahil sa matagal na nilang hidwaan ay nasaksak ng lalaki nang ilang beses ang nakatatanda nitong kapatid.
Batay sa imbestigasyon na pinagtatalunan ng magkapatid kung sino ang dapat na may responsibilidad sa pag-aalaga sa kanilang ina. Nagrereklamo umano ang suspek dahil sa kanya pa aniya iniaasa ang lahat kahit na siya ay may kapansanan.





Comments