top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nasa drug list ni P-Duterte | KAPITANA NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM

Mylene Alfonso
Aug 11, 2019
1 min read

UTAS ang barangay chairwoman na nasa narco-list umano ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Manila.

Dead-on-arrival sa Met­ropolitan Hospital si Chair­woman Aileen Guidotong, ng Bgy. 314 sanhi ng apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman ang mga hindi kilalang suspek na magkaangkas sa hindi napla­kang motorsiklo.

Batay sa imbestigasyon, alas-6:40 ng gabi nang mangyari ang insidente ha­bang nakaupo ang biktima sa tapat ng kanilang barangay hall sa Lope de Vega Street, Sta. Cruz. Dumating ang mga suspek at agad siyang pina­putukan ng apat na ulit.

Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima pero, hindi na rin ito umabot nang bu­hay. Inaalam pa ang mo­tibo sa pag­pas­lang sa biktima at pagka­ki­lanlan ng mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page