Mga pulis, oks tumanggap ng regalo — Digong | HINDI PUWEDE, BAWAL! — PNP
- Jeff Tumbado
- Aug 11, 2019
- 1 min read

KAKASUHAN pa rin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) hanggang matanggal sa serbisyo ang sinumang pulis na mapatunayang tumanggap ng anumang regalo kapalit ng kanilang serbisyo.
Ito ang nananatiling babala ng PNP sa kanilang hanay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari umanong tumanggap ng regalo ang mga pulis bilang ‘out of gratitude’ o pasasalamat.
“Our intensified campaign on internal cleansing is ongoing and we will never hesitate to investigate and charge PNP personnel found doing illegal acts,” pahayag ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac nitong Sabado.
“At any rate, the PNP remains to be bound by rules that govern our conduct under any given situation,” dagdag pa ni Gen. Banac.
Ipinuntong muli ni Banac na dapat silang sumunod sa istriktong ipinaiiral na batas sa ilalim ng Republic Act 6723 o Code of Conduct and Ethical Standards for government officials and employees.
“We always explain to the public that there is no need for them to give gifts as we are just doing our job and we get paid by the Filipino people through our salaries,” dagdag pa ni Banac. Pinaalalahanan din ang publiko na hindi na kailangan pang magbigay ng anumang regalo sa mga pulis dahil mandato o trabaho nila ang magbigay-serbisyo sa mamamayan.
Matatandaang, sinabi ni Pangulong Duterte na walang masama sa regalo basta hindi ito suhol.
“Well, basta kung bigyan kayo, eh, tanggapin ninyo. It is not bribery it cannot be bribery because it is allowed by law. What I mean if there is generosity in them, sabi ng anti-graft, you cannot accept gifts. Kalokohan ‘yan,” ito ang pahayag ni Pangulong Duterte sa mga pulis.




Comments