May tama ng bala at walang saplot | 19 BANGKAY NATAGPUAN SA MEXICO
NATAGPUAN ang 19 katawan ng tao sa isang lugar sa Mexico na itinuturing na pinamumugaran ng drug cartel.
Ayon sa State Prosecutor sa Michoacan, ang mga biktima ay kinabibilangan ng tatlong babae na natagpuan sa iba’t ibang lokasyon habang may nakita ring bangkay sa bahagi ng Uruapan State.
Batay sa impormasyon, ang mga biktima ay nakitang nakasabit sa tulay at walang saplot ang kalahating bahagi ng katawan habang ang iba ay may tama ng bala ng baril.
Ang Michoacan ay itinuturing na isa sa bloodiest states sa Mexico dahil sa away sa pagitan ng mga criminal group.
Ang Uruapan naman ay itinuturing na battleground ng war on drugs sa Mexico.
Naglunsad na si President Andres Manuel Lopez Obrador ng national guard at tinatayang 80,000 ang itinalaga sa mga magugulong lugar sa bansa.





Comments