LTO sa mga motorista: P350 NA IBINAYAD PARA SA RFID, IBABALIK

ISOSOLI ng Land Transportation Office (LTO) sa susunod na linggo ang siningil nito sa mga motorista na bayad para sa Radio Frequency Identification (RFID) project noong 2009.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, simula sa Agosto 15, makukuha na ng mga motoristang siningil sa kanila para sa RFID noong August 1, 2009 hanggang January 15, 2020.
Ang refund ay pagsunod ng LTO sa desisyon ng Korte Suprema na nagpapawalambisa sa naging kasunduan ng noon ay Department of Transportation and Communications (DOTC), LTO at Stradcom Corp.
Nauna nang nilagdaan ni Galvante ang Memorandum Circular No. 2019-2170 na nagtatakda ng magiging proseso ng pag-refund sa tinatayang 85,657 motor vehicle registrants.
Ipadadala na sa mga LTO regional at district office ang masterlist upang mabilis na maibigay ang refund.
Ang bawat claimant ay maaaring makakuha ng P350 na refund at P9.00 interest.
Kailangan lamang na magsumite ang claimant ng refund form at kopya ng valid government-issued ID.





Comments