top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lalo ngayong tag-ulan at uso ang baha... TIPS PARA MABAWASAN ANG MGA BASURA SA LANSANGAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2019
  • 2 min read

No Problem

AMININ man natin o hindi, mahirap magbawas ng mga basurang nalilikom dahil sa panahon ngayon, majority ng mga produkto ay nasa plastic packaging o individually packed. Gayundin, may mga nakasanayan tayong gawain na hindi nakatutulong sa ating kalikasan. Kaya para mabawasan ang mga basurang naiipon natin, narito ang ilang paraan na dapat nating gawin:

1. HUWAG BUMILI NG TINGI. Ito ay dahil mas maraming naiipong packaging kapag paisa-isang binibili ang mga produkto. Payo sa mga momshie, kung ma­mimili, siguraduhing sapat ang bibilhin ninyo para sa isang linggo o isang buwan para maiwasang bumili ng tingi kung kukulangin.

2. REUSABLE OVER DISPOSABLE. Mas mabuting mag-invest sa matibay at reusable na mga gamit kaysa sa mga single-use o disposable. Halimbawa nito, ang microfiber cloth, glass or metal straw, rechargeable batteries at marami pang iba. Huwag tayong magtapon nang magtapon dahil magastos na, hindi pa nakatutu­long sa paligid.

3. MAGING MAPILI. ‘Ika nga nila, huwag bilhin kung hindi kailangan. Tumpak ‘yun dahil kung hindi ito magagamit, itatambak lang natin ito hanggang maging ‘clutter’ na itatapon. Tsk-tsk-tsk!

4. MAGING HANDA. Kapag lumalabas tayo, mabuting maging handa sa pamamagitan ng pagdadala ng reusable cutlery, food container at eco bag dahil sigu­radong magagamit natin ito sa biglaang lunch out o pag­go-grocery. Medyo hassle ito dahil may ekstrang bit­bitin, pero kung iisipin natin ang tulong na magagawa nito, why not, ‘di ba?

5. REFILL PA MORE. Bukod sa mas mura ang refill products, nakababa­was din ito ng basura. Ha­limbawa, ang powdered milk ni bagets, powder de­tergent, shampoo, lotion at iba pa.

Ilan lamang ang tips na ito para mabawasan ang mga basura na nalilikom natin. Ngayong tag-ulan, kaunting pagbara at maling pagdi-dispose ang magti-trigger ng mga pagbaha. Kaya mga momshie, make sure na ia-apply natin ang mga ito para makatulong sa ating ka­likasan. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page