Lalaki tinarakan ng carwash boy

SUGATAN ang isang lalaki matapos saksakin ng carwash boy na nakaaway ng kanyang nakababatang kapatid sa Bgy. Fortune, Marikina City, kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat ng Marikina City Police, alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Upper Balite, Bgy. Fortune.
Sa inisyal na imbestigasyon, bago ang krimen ay dumaan sa lugar ang suspek na si Marshall Babano, 27, carwash boy, na may kasamang dalawang lalaki na pawang mga lasing.
Nadaanan umano ng mga ito si Raven, 22, na nakababatang kapatid ng biktimang si Richard Servano, 43, at sa hindi pa batid na kadahilanan ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nila ng suspek.
Nakita naman ng biktima ang kaguluhan kaya tinangka nitong umawat pero, siya ang pinagbalingan ng suspek at agad na sinaksak sa kaliwang braso at kilikili.
Nang makitang duguan ang biktima ay tumakas ang suspek habang isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktima.
Arestado naman ng mga tauhan ng Marikina City Police PCP-7 ang suspek sa isinagawang follow-up operation at kasalukuyan nang nakadetine.





Comments