top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Ibinigay ng kapitbahay | 18 NALASON SA BUTETE

V. Reyes
Aug 11, 2019
1 min read

TINATAYANG 18 ka­tao kabilang ang limang bata ang naospital makaraang malason umano sa kinaing puffer fish o butete sa Bgy. San Antonio, Ozamiz City, Huwebes ng tanghali.

Nakaranas ng pama­man­hid, pagsusuka, pananakit ng tiyan at pagkahilo ang mga biktima makalipas ang ilang oras na kumain ng butete na iniluto umano ng kanilang kapitbahay.

Aabot sa apat na kilong butete ang nahuli ng isa sa mga residente na kanyang niluto na ginataan at ibinahagi sa mga kamag-anak at ka­pitbahay.

Hindi na muna pinanga­lanan ng pulisya ang kapitba­hay habang patuloy nang si­nisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.

Kumuha na rin ng sample ang Ozamiz City Health Of­fice upang masuri ang pag­kain na maaaring may naha­long nakalalasong bahagi ng isda.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, malimit namang ku­makain ng butete ang mga biktima ngunit, posible uma­nong hindi nalinis nang ma­buti ang isda at nahalo ang nakalalasong bahagi nito.

Ang isa sa mga biktima na posibleng nakakain ng mas maraming toxin ay nasa ICU ngayon habang ang isa ay paralisado na ang kata­wan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page