HORN AT THURMAN, TUMIGIL NA KAYO!
- Gerard Ace/MC
- Aug 11, 2019
- 2 min read

TINIYAK ni Manny Pacquiao sa kanyang fans na babalik siya sa ibabaw ng ring sa unang bahagi ng taong 2020, pero hindi na sasagupa kina Keith Thurman o Jeff Horn, niliwanag ito ni MP Promotions chief Sean Gibbons. “No. Nothing to prove. (Thurman) Had his shot. Game over,” saad ni Gibbons sa isang artikulo ng BoxingScene.com. Tungkol kay Horn, sinabi ni Gibbons na, “Horn, who? Another desperate guy.”
Para kay Gibbons, isang pangalan lang ang kanyang hinihiling na maka-rematch, “We want (Floyd) Mayweather.”
Naagaw ni Pacman ang WBA “super” welterweight crown mula kay Thurman noong nakaraang buwan sa bisa ng split decision, pero iginigiit ni Thurman na hindi siya natalo at dapat naging draw ang laban. “I’m ready for the rematch,” ani Thurman sa nakaraang report. Samantala, nagwagi si Horn sa isang kontrobersiyal na desisyon laban kay Pacman noong 2017. Atat ang kanyang coach na si Glenn Rushton na ikasa ang boxer niya sa Pinoy legendary fighter. Samantala, muling bibigyang kulay ni 4-time boxing world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang karera sa pagtuntong sa final stage ng World Boxing Super Series ng bantamweight division kontra sa isang matinding Japanese slugger.
Nakatakdang magharap ang dating Fil-Am champion at undefeated fighter Naoya ‘Monster’ Inoue (18-0, 16KOs) ng Japan para sa 118-lbs Ali Trophy sa Saitama Super Arena sa Japan sa Nobyembre 7.
Parehong nakatuntong sa finals ng WBS series sina Donaire (40-5, 26KOs) at ang kasalukuyang unified World Boxing Association (WBA), International Boxing Federation (IBF) at The Ring (magazine) bantamweight champion na si Inoue matapos ang mga impresibong laban sa weight division.
Ang 36-anyos na si Donaire ay muling bumaba sa 118-lbs matapos ang mga laban sa featherweight at super-bantamweight category kung saan nagawa niyang mapagwagian ang World Boxing Organization at IBF titles, ngunit tig-dalawang beses din siyang natalo sa parehong division. Sa pagbabalik niya sa bantamweight class ay papanatilihin niyang malinis ang record sa kanyang undefeated streak kung saan naghari siya sa WBC at WBO titles. “I am looking forward to the final in Japan and a great fight,” wika ni Donaire.





Comments