Executive Sec. Medialdea binanatan | TULFO, PINAGRE-RESIGN

PINAGBIBITIW si Ramon Tulfo bilang Special Envoy to China.
Ito ay kaugnay ng isyu sa pagitan nito at ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Sinasabing walang puwang sa administrasyon ang asal ni Tulfo na pawang mga kasinungalingan umano ang mga sinasabi. Sa kolumn na kanyang inilabas noong July 20, na may pamagat na “There goes Cayetano as House Speaker, also Medialdea”, inakusahan ni Tulfo si Medialdea na naglalabas ng memorandum na hindi umano alam ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay para atasan umano ang mga government agency at GOCC na suportahan ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation.
Sa kanya namang July 25 column, inakusahang muli ni Tulfo si Medialdea, na inupuan umano nang isang taon ang apela ng isang Felicito Mejorada para ma-claim ang P272.07-M reward money mula sa gobyerno. Ani Mejorada, nagbigay siya ng tip sa gobyerno tungkol sa smuggling operation umano sa Mariveles, Bataan noong 1997.
Inakusahan din ni Tulfo si Medialdea na nasa likod ng isang Vianney D. Garol, na presidential consultant umano upang humingi ng P72-M para maibigay na ang reward. Malinaw umanong hindi factual ang sinabing ito ni Tulfo. Isang source umano sa Palasyo ang nagsabi na walang inilabas na memorandum si Medialdea tungkol sa pagsuporta sa PHISGOC na walang pahintulot ni P-Duterte at hindi rin umano inupuan ang apela ni Mejorada at nakasaad sa dokumento na na-receive ang appeal noong April at tatlong buwan pa lamang ito naipasa.





Comments