Dalawang 15-anyos nilasing, ni-rape ng katropa

DALAWANG 15-anyos na dalagita ang magkasabay na pinagsamantalahan ng kanilang dalawang kaibigan matapos lasingin sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Sa nakarating na ulat kay Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas, unang inimbitahan ng mga suspek na si Chijaiky Arex Alonzo, 19, at 17-anyos na si alyas Cardo ang mga biktima na sina alyas Lily at Alyana, na mag-inuman sa isang bahay sa Bgy. San Jose na pinaunlakan naman ng dalawa dahil kaibigan nila ang mga ito.
Alas-11:00 ng gabi, nalasing ang mga biktima subalit, sa halip na ihatid pauwi ay sinamantala ng mga suspek ang kalasingan ng dalawa bago magkasabay na hinalay sa loob ng nasabing bahay.
Nang mahimasmasan, agad umuwi ang mga biktima at nagsumbong sa kani-kanilang mga magulang na humingi naman ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.





Comments