top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BANGIS NG RED LIONS, SINAKMAL ANG KNIGHTS

A. Servinio
Aug 11, 2019
1 min read

NANATILING walang talo ang defending champion San Beda University matapos talunin ang matinding karibal na Colegio de San Juan de Letran, 70-66, sa pagpapatuloy ng aksyon ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Cuneta Astrodome, Sabado. Ito na ang ika-limang sunod na tagumpay ng Red Lions habang nagwakas ang limang sunud-sunod na panalo ng Knights.

Kontrolado ng San Beda ang buong laro ngunit, lumaban pa rin ang Letran at ilang beses nagtangkang bumalik sa laro. Sinimulan ni Larry Muyang ng Knights ang laro sa pagpasok ng tres ngunit, mula roon ay puro Red Lions ang nanaig at nagsanib-puwersa sina Donald Tankoua, Calvin Oftana, James Canlas Kwekuteye at Evan Nelle para ibigay ang unang quarter sa San Beda, 21-17, at hindi na sila lumingon buhat doon.

Hindi pa tapos si Nelle at nagsabog ng 13 dagdag-puntos upang itulak ang lamang sa 11 papasok ng huling quarter, 62-51.

Sinikap pa ring humabol ng Letran sa pamumuno ni Renato Ular at ipinasok ni Jerrick Balanza ang isang tres para sa huling talaan ngunit, kinapos sa oras ang Knights.

Nagtapos si Nelle na may 18 puntos, pitong rebounds at tatlong assists. Sinundan siya ni Donald Tankoua na nag-ambag ng 15 puntos at apat na rebounds kahit hindi na nakalaro sa huling minuto dahil sa limang foul. Mga laro sa Martes – FilOil Flying V Centre

2:00 Mapua vs. EAC

4:00 Arellano vs. Saint Benilde

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page