Selebrasyon ng Eid Al-Adha sa Metro Manila
Sa selebrasyon ng Eid al-Adha, nagtipon-tipon ang mga Muslim para magdasal at alalahanin ang mga natutunan nilang aral mula sa istorya ng Propetang si Ibrahim (Abraham).

Ang pagsama-sama ng mga Muslim ay naganap sa dalawang lugar. Ito ay sa Quezon Memorial Circle at sa Golden Mosque sa Quiapo.
Sa Quezon Memorial Circle pinangunahan ni preacher Ustadh Fahad Tambara ang selebrasyon. May sayawan ding naganap sa pagsama-sama ng pamilya ng mga Muslim.
Sa Golden Mosque, nag-umpisa ang pagdarasal ng 5am na sinundan ng sermon ng Imam ng 7am.





Comments