Alamin ang kahulugan... GANDANG-GANDA SA SARILI SA HARAP NG SALAMIN
- BULGAR

- Aug 11, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Marissa ng Marissa_Lagbas@face-book.com
Dear Professor,
Palagi akong nananaginip ng salamin at nakikita ko sa salamin na maganda ako.
Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Marissa
Sa iyo Marissa,
Nakatutuwa ang panaginip at nakapagbibigay-saya. Sa katunayan, bigla kong naalala ‘yung kuwento ng mahiwagang salamin na may babaeng nagtanong kung sino ang pinakamaganda.
Hindi madaya ang mahiwagang salamin, ang totoo nga, nakikita at nababasa nito ang laman ng isip at damdamin ng tao.
Sa pagtatanong ng “pinaka”, lumabas ang tunay niyang pagkatao na siya ay may kinaiinggitan o pinagseselosan, kaya kahit siya ay maganda, pumangit na rin siya sa paningin ng salamin dahil ang inggit at selos ay talagang nakakapangit.
Gusto mo bang malaman kung talagang totoo ang sinabi ng iyong salamin na maganda ka?
Alam mo, ang bawat tao ay may totoong salamin, salamin na hindi nagsisinungaling, nababasag at nang-iiwan.
Ito ay ang bestfriend ng bawat tao. Kaya ang sabi ng panaginip, magtanong ka sa bestfriend mo kung maganda ka dahil ang bestfriend ang tunay na salamin ng bawat tao dahil hindi lang hitsura ang nakikita nila kundi ang mismong pagkatao, kaluluwa at iba pa.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments