top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘Pacman’, world boxing champion na may bertud

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2019
  • 1 min read

MARAMI ang hindi makapaniwala na tata­lunin ni Sen. Manny Pacquiao ang walang talo na si Keith Thurman ng U.S.

Kung gayun, isa ba itong milagro o biyaya ng Diyos?

◘◘◘

KUNG may isa pang pinakarelihiyosong celebrity, walang duda na ito ay ang anak ni Aling Dionesia.

Siya lamang ang world boxing champion na may dalawang bertud.

Noong una, rosar­yo; ngayon, Holy Bible!

◘◘◘

INAASAHANG dudumugin ng kanyang mga tagahanga sa Cebu City si Sen. Pacquiao.

Ito ay dahil sa naka­tak­dang “thanksgiving prayer and fellowship” na kanyang pamumunuan!

◘◘◘

DADALO sa prayer rally si Cebu City Mayor Edgardo Labella at opisyales ng Political Officers League of the Philippines (PolPhil) at Kilusang Pagbabago (KP).

Malinaw na kini­ki­lala ni Sen. Pac­quiao ang mahala­gang papel na gina­gampanan ng Dakilang Lumikha sa kanyang buhay at kaligtasan!

◘◘◘

UMAASA pa rin ang lahat na makakasagupa ni Sen. Pacquiao ang wala pang talong si Floyd Mayweather, Jr..

Hangga't hindi sila naghaharap, hin­di mapa­pakali ang ka­nilang mga tagaha­nga!

◘◘◘

NAGPAPAKIPOT pa si Mayweather, Jr., pero naniniwala ang marami na nagpapataas lang ito ng presyo.

Inaasahan ang mul­ti-milyong dolyares na kikitain sa natu­rang laban!

◘◘◘

SA pinakahuling laban ni Sen. Pacquiao kay Thurman, kumubra ito ng pinakamaliit na $50 million.

Laban kay Maywea­ther, paniwalaan-dili ang kanyang makukubra.

Ito ay maaaring pina­kamaliit na $200 milyon.

Nanangkupooo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page