Problema sa bansa, ‘di matatapos hangga’t may korup, period!

NASA teritoryo ng Pilipinas ang mga barko de-giyera ng U.S. at China.
Kumbaga sa sabong, gagawin nilang “gradas” ang Pilipinas!
◘◘◘
NANG mag-away ang U.S. at Japan, ang Maynila ang kanilang winasak.
Kapag nag-away ang U.S. at China, ang buong Metro Manila ang kanilang tutunawin!
◘◘◘
WALANG pakialam ang Pilipinas sa U.S. at China.
Parehong hindi mapagkakatiwalaan ‘yan.
Sa Pinoy lang dapat magtiwala ang kapwa Pinoy!
◘◘◘
IDINEKLARA ang dengue bilang ‘“national dengue epidemic.
Gusto ulit nilang “gamitin” ang problema sa dengue para magnakaw!
◘◘◘
SA totoo lang, idinedeklara ang state of emergency o state calamity para madambong lang ang salapi ng bayan.
Ganyan sa deklarasyon ng national epidemic, may kasabay na bilyong badyet na nanakawin din ng mga dorobo!
◘◘◘
BAKIT kaya walang korup na opisyal na nang-aagaw ng baril?
Kasi may “kaparte” rin daw ang may hawak ng boga.
He-he-he!
◘◘◘
TANGING si P-Digong lang ang makalulutas ng korupsiyon.
Wala bang “tokhang” sa kampanya laban sa korupsiyon?
◘◘◘
ANG lahat ng sakit ng lipunan ay nag-uugat sa korupsiyon.
Hangga’t may korup na opisyal, hindi mawawala ang problema ng bansa!





Comments