P2.5-B heroin nasabat sa U.K
NAKUMPISKA ang daan-daang kilo ng heroin sa United Kingdom.
Tinatayang aabot sa $48.7 milyon o katumbas ng P2.5 bilyon ang halaga ng nakumpiskang kontrabando.
Nabatid na binalot ng tuwalya at bathrobes ang heroin saka ipinadala sa isang shipping container.
Ayon sa National Crime Agency, patungong Antwerp ang kargamento.
Ang container ay nagsimulang maglayag sa bahagi ng Oman at may stopover sa iba pang mga lugar.
Isa umano ito sa pinakamalalaking drug seizures sa United Kingdom.





Comments