Matapos tawaging anti-poor at anti-commuters | YELLOW LANE POLICY SA EDSA, TULOY — MMDA
- Gina Pleñago
- Aug 10, 2019
- 1 min read

TULOY ang panghuhuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motoristang lalabag sa yellow lane policy sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay MMDA traffic Czar ‘Bong’ Nebrija, sa kabila ng mga pagtuligsa ng mga commuter at motorista sa kanila, ipagpapatuloy pa rin nila ang pagpapatupad ng yellow lane policy sa EDSA.
Nagmistulang malaking parking area ang sitwasyon sa EDSA dahil umano sa naturang traffic scheme.
Sinabi ni Nebrija, ang kawalan ng disiplina ng mga motorista, partikular ng city bus drivers ang naging posibleng dahilan sa masikip na daloy ng trapiko sa EDSA.
Giit pa ni Nebrija, hindi umano magiging masikip ang yellow lanes kung marunong magbigayan ang mga motorista.
Matatandaang, binatikos ng mga commuter at motorista ang MMDA dahil sa umano’y maladelubyong sitwasyon ng trapiko sa EDSA mula noong naka-raang Biyernes dahil umano sa naturang traffic scheme.
Tinatawag ngayon ang ahensiya na anti-poor at anti-commuter dahil maluwag ang lanes para sa private vehicles habang ang dalawang yellow lanes para sa mga bus ay nagmimistulang malaking parking lot.





Comments