Lolo timbog sa 5 boga
BOHOL—Isang 63-anyos na lolo ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng limang baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Canhaway, Guindulman.
Kinilala ang suspek na si Jose Felicia, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Felicia sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang apat na kalibre .38 revolver, kalibre .45 pistola at mga bala.
Nabatid na sinampahan na ng mga awtoridad si Felicia ng kasong 5-counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.





Comments