top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Agosto 10, 2019 (Sabado)

  • Maestro Honorio Ong
  • Aug 10, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 10, 2019 (Sabado): Ang panalo laban sa hamon ng iyong ka­palaran ay mapasasa­iyo, kaya bakit aatrasan mo ang mga hamon ng iyong buhay? Ito ang men­sahe ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hindi maka­po­porma ang mga karibal mo at kahit magpumilit sila, mismong langit ang kanilang makakabang­ga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lot­to-9-18-20-23-29-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang mata­pang sa araw na ito, ‘yun ang reregaluhan ng langit ng naglalakihang mga suwerte sa buhay. Matapang ka ba? Dapat, oo! Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-2-11-15-24-28-36.

GEMINI (May 21- June 20) - Sugurin mo ang iyong mga pa­ngarap, pero dalhin mo ang talas ng iyong isipan. Hin­di tama na ang tao ay sugod nang sugod na ang akala ay sapat na ang positi­bong pananaw para magtagum­pay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-19-20-21-26-38.

CANCER (June 21- July 22) - Hindi ka mahina, ikaw ay malakas. Ang totoo, sa araw na ito kapag ipinakita mo na ayaw mo sa pangyayari, makatiti­yak ka na magtatagum­pay ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-19-21-25-29-30-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ha­yaan mo lang na kumilos nang kumilos ang mga kontrabida sa buhay mo. Kahit anong pagkilos nila, iisa lang ang kauu­wian nito, mawawalan ng saysay ang lahat ng kani­lang pag­kilos. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-23-39-40-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kailan ka ki­kilos, puro ka na lang ba pla­no? Naghihintay ka ba ng senyales mula sa langit? Lahat ng tanong mo ay hindi makagaganda para sa iyo, ang maganda ay ang kumilos ka na. Masuwer­eng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-20-36-40-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang takbo ng kapa­laran mo da­hil kung ano ang ayaw mo, ‘yun ang ibibigay sa iyo. Mag-ingat ka sa pag­sasabi ng ayaw mo. Ito ang mensahe para sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-27-31-33-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumabas ka sa silid mo. Ibig sabihin, ma­kihalubilo ka sa mga tao. Ang kaligayahan ay wala sa pag-iisa dahil ito ay makukuha mula sa pa­ki­ki­pagkaibian at pagsa­saya kasama sila. Masu­wer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-21-25-34-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap paniwalaan, pero ang sikreto kung pa­ano lalapit sa iyo ang mga suwerte ay ang ma­ging palautos ka. Ito ang men­sahe ng iyong kapa­laran ngayon. Masuwer­teng ku­lay-black. Tips sa lotto-9-18-20-27-35-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo maaawat ang sarili mo na kumontra sa matagal ng nag-aakalang sunud-su­nu­ran ka lang. Huwag mong akalain na ito ay gabay ng kapalaran, ito ay tiyak na mangyayari. Masu­wer­teng kulay-vio­let. Tips sa lotto-18-22-30-31-30-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maga­gawa mo ang bawat sali­tang bibita­wan mo. Kaya ang nag-aakalang puro ka lang sa­lita ay magu­gulat at hindi makapani­niwala. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran nga­yon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-23-27-39-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit paisa-isa, humak­bang ka! Huwag mong kalimutan na ang libong hakbang para sa kaunla­ran ay nagsisimula sa pa­isa-isang hakbang. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng ku­ay-red. Tips sa lotto-7-10-14-23-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page